71

Apr 21, 2020 @ 9:47
By

Nueva Ecija sinagot ang pagkain ng frontliners

Sinagot ng Nueva Ecija ang pagkain ng anim na district hospitals bilang suporta sa medical frontliners.

Mula pa umano noong Marso 19 ay ipinagutos na ni Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali na sagutin ng kapitolyo ang mga pagkain sa mga district hospitals na nasa Gapan at San Jose, maging ang mga mga bayan ng San Antonio, Bongabon, Sto. Domingo at Guimba.

Idinamay na rin ang pagkain ng ilang mga police checkpoints na malapit sa ilang ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?