1,482

By

Nude video kumalat sa porn site, bebot 3 taon bago nalaman

Sharing is caring!

100 –milyong dolyar ang hinihinging danyos ng isang babae matapos madiskubre na kumalat na pala ang isang video kung saan makikita siyang hubo’t hubad habang naliligo sa isang hotel.

Dinedemanda ng biktima na ayaw magpakilala ang Hilton Worldwide dahil sa “severe and permanent psychological injuries,” “severe mental anguish, emotional distress and other damages” kasama na ang mga nagastos pangmedikal at kawalan din ng kita dahil sa nasabing video.

Hulyo 2015 pa nag-check in ang babae sa Hampton Inn and Suites hotel sa Albany, New York matapos maka-graduate sa law school.

Nalaman niya umano ang nasabing nude video matapos may mag-email sa kanya noong Setyembre ngayong taon na nag-send ng video at tinatanong kung siya ang babaeng nasa porn site.

Patuloy umano ang pangha-harass ng email sender, at kumalat din ang isa pang bagong bersyon ng video na nakuha ng kanyang mga kaibigan, colleague at dating mga kaklase na mula sa isang pekeng email address na nakapangalan sa kanya.

Dagdag pa sa stress ng babae, nangingikil din ang email sender ng $2,000 hanggang $1,000 kada buwan.

Ayon naman sa Hilton, kanilang ipapasa sa Hampton ang responsibilidad bilang pagsunod sa independent ownership ng establisimiyento.

Saad naman ng Hampton, kanilang iniimbestigahan ang insidente, at wala umano silang nakitang recording device sa nasabing room matapos ang kanilang ginawang renovation.

“Recently, the hotel underwent a complete renovation. During that process, no recording devices of any kind were uncovered,” ayon sa pahayag ng hotel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }