682

Dec 21, 2019 @ 11:37
By

‘Nude’ pic ni Steph Curry, kumalat sa socmed

Trending ang pangalan ni Stephen Curry hindi dahil sa paglalaro ng basketball, kundi dahil sa isang scandal.

Nagulantang ang mga netizen matapos tumambad ang umano’y hubad na larawan ni Curry.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng mga malalapit sa koponan, tinangging si Curry ang nasa picture.

Ayon kay Jeff Austin, ang agent ni Curry, malinaw umanong hindi ang kanyang alaga ang nasa larawan.

Na-delete na ang original post ngunit usapan pa rin ito sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?