402

Nov 2, 2017 @ 13:04

Nuclear tunnel sa North Korea nag-collapse, 200 katao patay

Nawasak ang isang tunnel sa underground ng nuclear site ng North Korea na nagresulta sa pagkasawi ng 200 katao.

Sa ulat ng TV Asahi ng Japan, nangyari ang disaster sa Punggye-ri nuclear test site ng north-east na bahagi ng bansa noong Oktubre 10.

Isang opisyal ng North Korean ang nagsabing nangyari ang insidente habang ginagawa ang undeground tunnel na nasabing nuclear site sa ilalim ng Mount Mantap.

Sinasabing 100 workers ang na-trap sa naunang pagkasira ng tunnel at nadagdag pa ng 100 iba pa sa pangalawang pag-collapse nito habang isinasagawa ang rescue operation.

Makikita sa satellite images ang pagkakaroon ng craters sa Mounth Mantap matapos magkaroon ng landslides.

Ang aksidente ay pinaniniwalaang bunsod ng pang-anim na nuclear test na iniutos ni President Kim Jong-un na siyang nagpahina sa bundok, sabi sa report.

Ang test na isinagawa ay isang hyrogen bomb na diumano’y sampung beses ang lakas sa nuclear bomb na ginamit ng US sa Hiroshima noong World War II.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?