74

Jan 3, 2018 @ 14:12
By

Nuclear button ng US mas malaki, mas malakas sa N. Korea — Trump

Nagyabang ni US President Donald Trump kay Kim Jong-Un sa pagsabing mas malaki at mas malakas ang nuclear button ng US kumpara sa North Korean leader.

“North Korean Leader Kim Jong Un just stated that the ‘Nuclear Button is on his desk at all times.’ Will someone from his depleted and food starved regime please inform him that I too have a Nuclear Button, but it is a much bigger & more powerful one than his, and my Button works!” ayon sa Tweet ni Trump.

Ginawa ni Trump ang mensahe matapos ihayag ni Kim noong Bagong Taon na mayroon siyang “nuclear button” sa kanyang mesa.

Subalit kumambiyo ito sa pagsabing interestado pa rin siya sa pakikipagdayalogo sa dialogue sa South Korea na sinagot naman ng huli na dadalo sila sa high-level talks sa Pyongyang sa Enero 9.

Subalit agad na kinontra ni US envoy sa United Nations Nikki Haley ang panukalang dialogue sa pagitan ng Koreans na tinawag nitong isa lang “band-aid”.

Ani Haley, kailanman ay hindi matatanggap ng US ang nuclear-armed program ng Pyongyang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?