38

Feb 6, 2020 @ 14:56
By

NU Pep Squad target ang 2 ginto sa world c’ships

Aabot sa ibang bansa ang angking galing ng 2019 UAAP Cheerdance champions na National University Pep Squad sa pagsabak sa dalawang world cheerleading championship sa Florida, USA.

Sa Facebook post ng Philippine Cheerleading Alliance (PCA) nitong Miyerkoles, inanunsyo na sasali ang NU Pep Squad para irepresenta ang Pilipinas sa All Star Federation Open Championships at International Cheer Union (ICU) World Cheerleading Championships.

Ang All Star Federation Open Championships ay gaganapin sa April 24 hanggang 26, habang ang ICU World Cheerleading Championships naman ay magsisisimula sa April 26 hanggang 28.

Target ng six-time UAAP cheerdance champs na masilat na ang ginto sa ICU matapos tumapos lang bilang bronze medalist sa 2015 edisyon ng kompetisyon.

“Last UAAP CDC we took you to the Philippines, now we are taking the Philippines to the World,” ayon sa Facebook post ng NU Pep squad na may video na patikim sa kanilang gagawing performance sa international stage.

Sa mga nais makatulong sa kampanya ng NU, magbebenta ng mga shirt at merchandise ang squad para sa pondong gagamitin nila sa paglaban sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?