245

By ,

NU nakadena kay Maddie, Ateneo

Tinapos ng Ateneo de Manila University Lady Eagles ang first round ng eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball sa pagdagit ng ikaanim nilang sunod na panalo.

Pinadapa ng Lady Eagles ang National University Lady Bulldogs sa loob ng apat na set 23-25, 25-17, 25-23, 25-17 Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Ariba agad ang Lady Eagles at agarang pinakitaan ang mas batang Lady Bulldogs pero nag-iba ang ikot ng bola nang manakaw ang first set 25-23.

Umalagwa sa second set ang Lady Eagles nang iposte nito ang 16-7 na bentahe sa likod ng kanilang 7-1 run.

Nagtuloy-tuloy ang pagdomina ng Ateneo sa laro pero nagawang makabangangon ang NU 23-22 sa third pero hindi nila ito sinamantala hanggang mag-error si Ivy Lacsina at tapusin ito ng running ni Maddie Madayag.

Sa fourth ay mas lalo pang nakita ang championship experience ng Ateneo nang magawa nilang umalagwa matapos sila pakabahin nang maibaba ng ace ni Roselyn Doria, 15-14, ang kalamangan nito.

Nagbalik sa dalawa ang lamang ng Ateneo, 16-14, sa service error ni Doria at mula rito ay nagpabibong muli sa opensa ang kapitana na si Bea de Leon nang iangat nito 20-14 ang bentahe nito hanggang selyuhan ang ikaanim nitong panalo sa pitong asignatura.

Nanguna sa tropa si Maddie Madayag nang humambalos ito ng 17 puntos, sa likod ng 10 attacks, apat na aces at tatlong blocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?