18

By

NU Lady Bulldogs sinakmal ang 5th straight championship

Hindi pa rin magiba ang dinastiya ng National University pagdating sa UAAP women’s basketball.

Muling nagkampeon sa ikalimang sunod na pagkakataon ang NU matapos payukuin ang FEU Lady Tamaraws, 67-61, sa Game 2 ng UAAP Season 81 finals sa Araneta Coliseum.

Bukod pa sa haba ng title run ng NU, sinikwat din ng Lady Bulldogs ang 80 dikit na panalo sa loob ng limang season.

Iginawad kay Jack Animam ang Finals MVP plum matapos kumamada ng 15 puntos at 21 rebounds para sa final game ngayong season, samantalang nanguna rin si Rhena Itesi na may double-double performance din tangan ang 17 puntos at 10 rebounds.

“Sobrang saya lang. Every year, may iba’t iba kaming struggles and every championship, meron kaming iba’t ibang stories to tell. Lahat ng sacrifices namin, nagbunga at sobrang sarap. I’m on cloud nine. Sabi nga ni coach, amazing,” saad ni Animam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?