53
NU-La Salle rematch sa NBTC Nat’l Finals
By ,

NU-La Salle rematch sa NBTC Nat’l Finals

Sa ikalawang sunod na taon, muli na namang maghaharap sa Division 1 ng Chooks-to-Go NBTC League National Finals ang National U-Manila at La Salle Greenhills-Mandaluyong Linggo, Marso 24, sa Mall of Asia Arena.

Nanakaw ng NU-Manila ang 91-90 panalo kontra San Beda-Manila habang pinadapa naman ng LSGH-Mandaluyong ang FEU-Manila sa semis match nila ngayong Biyernes, Marso 22, sa Mall of Asia Arena.

Pabibo sa Bullpups ang kapitan nito na si Gerry Abadiano na may 23 puntos at may sahog pang apat na steals at tatlong assists habang may mayuda namang tig-18 puntos sina Cyril Gonzales at Terrence Fortea.

Tambak ng 26 puntos sa unang half ng laro, masigasig na bumalikwas pabalik ang Red Cub ang ninakaw ang kalamangan, 85-84, sa likod ng layup ni Penny Estacio hanggang sa maitabla ito sa 89 ni San Beda ace Rhayyan Amsali may 22 segundo ang natitira.

Walang inaaksayang segundo si Abadiano ang muling pinatahimik ang Red Cubs at tuluyan na nitong ninakaw ang panalo sa likod ng midrange jumper nito.

Samantala, bumandera naman para sa LSGH si Joshua David na may 21 puntos at anim na rebounds habang bumakas naman ng 17 puntos si Kobe Palencia mula sa bench.

Agarang nakontrol ng Greenies ang payoff period ng iposte nito ang 14-point deficit, 77-63 pero agarang sumagot ang Baby Tamaraws at naibaba sa pito ang kalamangan ng Greenies sa likod ng dalawang tres ni RJ Abarrientos sa huling 3:57 ng laro.

Nasa Greenies pa rin ang huling halakhak matapos ipamalas ni NCAA Juniors MVP ang kanyang husay sa fourth na nagpatahimik sa FEU at pagasa nito sa Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?