34

By

NU coach Jarin, ‘naospital’ dahil sa kanyang manlalaro

Sharing is caring!

Inamin ng National University head coach na nakapunta siya sa intensive care unit (ICU) at ngayon lang nakalabas ng ospital.

Ang sanhi ng kanyang pagkakaconfine? Limang sunod na pagkatalo ng NU Bulldogs.

“I just got out of the hospital because I was in ICU because of the losses we had,” saad ni Jarin.

“I was clinically dead because of these young men,” dagdag niya.

Ngunit nagsimulang gumaling si Jarin dahil nanalo muli ang NU laban sa UE Red Warriors, 88-61, nitong Sabado lamang sa Mall of Asia Arena.

Ito ang kanilang unang panalo simula nang nagwagi sila laban sa UST, 75-70, mula sa opening season noong Setyembre 8.

Naging maganda ang nilaro ng super rookie na si Dave Ildefonso na kumolekta ng 14 points, seven rebounds at six assists.

Ngunit nagpakitang-gilas din ang isa pang rookie ng NU na si John Lloyd Clemente, na pinangunahan ang opensa ng Bulldogs sargo sa 21 points (7-of-11 shooting) at four rebounds.

Kung kaya’t masigla si Coach Jamike sa kanyang mga bata at inaaasahan niyang magsisikap pa ang kanyang koponan kahit kasalukuyan silang nagmamay-ari ng 2-5 na baraha sa pagtatapos ng first round.

“There’s more reasons to get up and work harder because of these young men as well. That’s why you get up and try to get up from the dead,” sabi ni Jarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?