Abante-VisMin-Radar-nu-bulldogs

NU Bulldogs sinagpang ang korona ng Ateneo

Sharing is caring!

May bagong kampeon ang UAAP men’s volleyball.

Pinutol ng National University ang paghahari ng Ateneo Blue Eagles ng ikatlong sunod sa UAAP men’s volleyball tournament.

Napaalis nila sa trono ang Blue Eagles sa pagtala ng 25-20, 31-29, 22-25, 33-31, sa finals nitong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Nakaiwas na muling masilat sa ika-apat na pagkakataon sa Blue Eagles, naibulsa na ng Bulldogs ang una nilang titulo na noon pang Season 76 nila nakuha.

Muling sumandal ang NU sa tikas ni five-time MVP Marck Espejo sa fourth set, nang pangunahan nito ang pag-ahon ng Bulldogs mula sa 9-3 pagkakalubog sa ika-apat na set.

Si James Natividad naman ang nagtarak sa Bulldogs ng seventh championship point nito matapos magpakawala ng kill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?