10

Jul 15, 2021 @ 17:16
By

NTF-ELCAC hindi na dapat pondohan – Drilon

Ang hindi nagamit na P636 milyong anti-insurgency funds ng Philippine National Police (PNP) ay nagpapakita lang na hindi kailangan pa ng alokasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa taong 2021-2022.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na 12% o P86.57 milyon lang ng P722.96 milyong anti-insurgency fund ng PNP ang ginamit noong 2020.

“The COA finding is proof that the government did not need the P19.2 billion anti-insurgency fund lodged under the NTF-ELCAC this year and, more so, it is proof that we do not need to give a single centavo to the NTF-ELCAC for 2022,” sabi ni Drilon sa kanyang text message sa mga reporter.

“We have more than sufficient funds to counter insurgency, millions of which remained untouched, unobligated and unspent,” dagdag nito.

Ayon pa sa minority leader, mauubos lang ang limitadong resources ng bansa kung popondohan pa sa susunod na taon ang NTF-ELCAC.

“To fund NTF-ELCAC in 2022 will cause unnecessary drain on our limited resources meant to respond to the continuing pandemic and provide aid to millions of unemployed and hungry Filipinos. To insist on anti-insurgency funding in the 2022 national budget in the light of the COA findings will bolster suspicion that the NTF-ELCAC is a huge campaign kitty,” diin nito.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III, kailangang magpaliwanag sa budget deliberation ng PNP ang COA findings na ito hinggil sa hindi nagastos na pondo.

“There is an obvious flaw somewhere. We will find out,” ani Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?