36

Jun 23, 2022 @ 16:43
By

NTF-ELCAC, Anti-terror law ‘napaka-effective’ — incoming NICA chief

Inilarawan ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General-designate Ricardo de Leon ang Executive Order 70 na siyang nagtatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang Anti-Terrorism Act na “napaka-effective’’ laban sa terorismo.

Ayon kay De Leon ang NTF-ELCAC at ang batas laban sa terorismo ay magdadala ng pag-unlad at magpapatatag sa bansa.

“With what is happening now, napaka-effective yung ating Executive Order 70 yung NTF-ELCAC, as well as yung sa Anti-Terrorism Act. Sabi nga natin that would now assure as now of a stronger nation kasi we have already started giving focus on this sa national security interest natin that would now trigger yung development,” sabi ni De Leon sa isang panayam sa telebisyon.

Binigyan-diin ni De Leon ang kahalagahan na magpatuloy ang NTF-ELCAC.

“So you can see the impacts nitong mga efforts the presence of the task force and the national terrorism act that will trigger now development,” dagdag pa ni De Leon.

Rerepasuhin umano ng NICA ang mga programa ng task force kasama na ang mga community support program nito na ngayon ay mayroong P5 bilyong pondo.

“We need to empower barangays kasi nandun yung roots eh parang yung tentacles ng octopus, yung mga social ills ina-address natin,” dagdag pa nito.

Iginit din ni De Leon ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa paglaban sa terorismo at komunismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?