37

May 14, 2020 @ 15:40
By

NTC sumagot na sa show cause order ng Kamara

Sumagot na ang National Telecommunications Commission (NTC) sa nilabas na ‘show cause order’ ng House Committee on Legislative Franchises laban sa kanila.

Ito’y upang sila’y pagpapaliwanagin kung bakit hindi sila dapat i-contempt ng Kongreso sa ginawa nilang pagpapasara sa ABS-CBN via cease and desist order.

Ayon kay Palawan Rep. Franz Alvarez, chairman ng komite, natanggap nila ang sagot ng NTC at ito’y kanila pang pag-aaralan.

“We just received the reply of the NTC. The committee is still reviewing it,” ayon kay Alvarez.

Nitong Lunes, naglabas ng ‘show cause order’ ang Kamara laban sa NTC na nag-ugat mula sa pagsuway nito sa kapangyarihan ng Kapulungan, partikular ang pagkabigong mag-isyu ng provisional authority para sa pagpapatuloy ng operasyon ng ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?