74

Sep 10, 2021 @ 15:51
By

NTC audit sa Dito Telecommunity isapubliko – Infrawatch PH

Nanawagan ang isang public policy think-tank sa National Telecommunications Commission (NTC) na isapubliko ang technical audit nito sa Dito Telecommunity ng Dabawenyong negosyante na si Dennis Uy.

Pinagdududahan umano ng Infrawatch PH ang ginawang technical audit ng NTC sa Dito dahil hindi tugma sa resulta ng second technical audit nito sa nararanasang serbisyo ng mga kustomer ng kompanya.

Hiling ng Infrawatch PH sa NTC na isaubliko ang resulta ng second technical audit ng Dito at kung paano isinagawa ito.

Sabi ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon, nais nilang malaman kung saang mundo ginawa ng NTC ang audit dahil hindi ito ang naging karanasan ng mga Dito subscriber.

“Instead of Dito, it is the NTC that should explain to the public the actual methodology and results of the second technical audit, because nothing in the audit hews closely to real-world results tested by actual users. We’d like to know which parallel universe these speed tests were taken,” sabi ni Ridon.

Aniya, mahalagang malaman kung naging patas ang NTC sa Dito o kung pinaboran ito sa technical audit dahil nakataya rito ang P25 bilyong bond ng bagong telco.

Sabi ni Ridon, dapat lang malaman ng mga tao kung paano isinagawa ang audit at kung ginawa ba ito para masalamin ang totoong serbisyo ng Dito dahil kung hindi ay nililinlang lang umano nito ang publiko at ang pamahalaan.

Ayon kay Ridon, may ulat ang third party na OpenSignal na bumagal ang download at upload speed ng Dito pati na ang video experience sa nakalipas na mga buwan samantalang steady naman ang performance ng ibang mga operator.

“NTC and Dito should clarify why the technical audit reported very reassuring results while third party reports show otherwise,” sabi ni Ridon.

Kung ang ibig sabihin umano ng bumabagal na speed test ng Dito ay mas dumadami na ang kustomer nito, sinabi ni Ridon na pinakikita rin nito ang limitasyon ng Dito sa pagkuha pa ng mga karagdagang kustomer.

“With a widening customer base and currently limited infrastructure, the public can certainly expect a poorer user experience than before. In fact, the question should be asked whether Dito’s current capacity is mostly organic or merely piggybacked on the capacity of other operators,” sabi ni Ridon.

Kung nakikisakay lamang umano ang Dito sa kapasidad ng Globe at Telecom, malabong maasahan itong mapanatili ang kasalukuyang kakayanan at reliability nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?