6

Feb 20, 2021 @ 17:57
By

NPC tinukuran si Go na isama media sa prayoridad bakunahan

Pinuri ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang panawagan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na isama ang mga miyembro ng media sa listahan ng mga prayoridad bakunahan sa bansa laban sa COVID-19.

Ang NPC ang pinakamalaking samahan ng mga aktibong miyembro ng press sa bansa.

Handa aniya ang NPC na makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya para mapadali ang pagbabakuna sa lahat ng miyembro nito at iba pang media workers sakaling dumating na ang bakuna.

“Indeed, the recognition by Sen. Bong Go of the important role of the media in society and the sacrifices and contributions they are making in this period of pandemic should not be overlooked by the national government,” pahayag ni NPC president Paul M. Gutierrez, ng Journal Group.

“Last year, when the government classified members of the press as ‘APORs’ (authorized persons outside of residence) and given IDs and rapid passes so they can continue in helping the government in its information dissemination campaign related to COVID-19, this is already tacit admission that the media is indeed among the country’s ‘frontliners’ in the fight against the pandemic. The NPC thus commends Sen. Bong Go in reminding the national government of this little but vital fact in the course of his visit to Bukidnon last February 16, 2021,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?