27

By

NPC pinagpapaliwanag ang organizer ng Miss Earth sa data privacy ng mga kandidata

Sharing is caring!

Nakuha rin ng kandidata na mga umano’y biktima ng sexual harassment sa Miss Earth pageant ang atensyon ng National Privacy Commission (NPC).

Noong Nobyembre 11, sumulat na si Atty. Francis Euston Acero, hepe ng NPC – Complaints and Investigation Division sa organizer ng beauty pageant para ipaliwanag ang pagkakabunyag ng cellphone number ni Ms. Earth – Canada Jaimie Vanderberg.

Ito umano ang naging paraan kaya nagkaroon ng umano’y pagkakataon ang isa sa mga sponsor ng beauty contest na magkaroon ng komunikasyon kay Vanderberg.

Bukod dito, pinagpapaliwanag din ang Carousel Productions Inc., ukol sa proseso ukol sa mga detalye sa mga passport ng mga kandidata, gayundin ang privacy management program ng kompaniya.

Hiniling din ng NPC kina Carousel President Ramon Monzon at Vice President Lorraine Schuck ang pangalan ng kanilang data protection officer at ang kanilang registration details sa NPC.

Ayon sa ahensiya, walang record ang Carousel sa kanila, gayundin ang kanilang data protection officer at data processing system.

Magugunita na ibinunyag nina Vanderberg, Miss Earth-England Abbey-Anne Gyles-Brown, at Miss Earth-Guam Emma Mae Sheedy na nakaranas sila ng sexual harassment mula kay Amado Cruz, isang dinner sponsor.

Mariin namang itinanggi ni Cruz ang mga alegasyon sa kanya at iniimbestigahan na din ng Carousel ang mga alegasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }