51

Jun 17, 2020 @ 13:13
By

NPC nagluksa sa pagkamatay ni Cojuangco

Nagpahayag ng pakikiramay ang ilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition sa pagpanaw ng kanilang founder na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. sa edad na 85.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nag-iwan ng malaking butas sa kanilang puso ang pagpanaw ng isa sa ‘titan’ ng Philipppine business at politics.

“The passing of our NPC chairman, Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr., leaves a big hole in our hearts. He lived an extraordinary life, a successful man who wore many hats as he made waves in the business sector and splashes in public service,” ani Sotto sa isang statement.

“The vast ocean of entrepreneurship and political leadership will never drift as suavely and smoothly without his engaging presence,” dagdag nito.

Si Cojuangco ay chairman emeritus ng NPC. Nagsilbi din siyang governor ng Tarlac at dati ring ambassador.

“My most sincere condolences to the family of Eduardo Cojuangco Jr. His dedication to his loved ones, his work, and his continued support towards nation-building will never be forgotten,” ayon naman kay Senador Sherwin Gatchalian sa Twitter.

Si Cojuangco ay tumakbo rin sa pagkapangulo noong 1992 subalit natalo kay Fidel Ramos.

Maging si dating senador JV Ejercito ay nakidalamhati sa pagkawala ng kanyang ninong.

“Woke up to a very sad news earlier. My Ninong Danding Cojuangco passed away. He is a very nice person with a kind heart. Super nice to me. He will be missed,” tweet ni Ejercito.

Nakiramay din si dating senador at ngayo’y Sorsogon Governor Chiz Escudero sa pamilya ng business tycoon.

“My sincerest condolences to the family and loved ones of Boss Danding… My prayers go out to ECJ and to all of you during this time of sorrow,” ayon kay Escudero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?