142

Jan 19, 2019 @ 16:04
By

NPC iimbestigahan ang data breach sa Cebuana Lhuillier

Nagsimula na umano ang National Privacy Commission (NPC) ng kanilang imbestigasyon sa data breach sa email servers ng Cebuana Lhuillier.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Enriquez Liboro, humingi umano sa kanila ng tulong ang Cebuana Lhuillier noong Biyernes matapos madiskubre ang data breach kung saan delikadong malantad ang impormasyon ng 900,000 na kustomer nito dahil dito.

Handa umanong makipagtulungan ang kumpanya at magsumite ng detalyadong report hinggil sa nangyaring data breach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?