1,202
NPC hindi siguradong matutunton ang source ng video scandal ni Paredes
Apr 4, 2019 @ 15:50
By

NPC hindi siguradong matutunton ang source ng video scandal ni Paredes

Inamin ng National Privacy Commission (NPC) na hindi nila masisiguro na mati-trace kung saan nagmula ang kumalat na video scandal ni Jim Paredes.

Ayon kay NPC Chairman Raymund Liboro sa ABS-CBN report, ang pwedeng gawing hakbang ni Paredes ay makipag-ugnayan sa mga social media platform para ma-block o mabura ang naturang video.

Matatandaang inamin ng 67-anyos na si Paredes na tunay ang video makaraang unang sabihing peke ito.

Humingi ito ng paumanhin at sinabing isa itong pribadong video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?