30

Jun 25, 2021 @ 13:40
By

NPA sumugod sa Surigao, sibilyan todas

Umatake ang mga miyembro ng New People’s Army sa isang construction firm sa Surigao del Sur nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Surigao del Sur Police Provincial Office director Col. James Goforth, sinunog ng rebeldeng grupo ang dalawang backhoe mula MR1 Construction sa Brgy. Zone 2 sa bayan ng Lanuza.

Nasawi din ang isang sibilyan sa ginawang paglusob ng NPA, habang dalawa pa ang nasugatan.

Kaagad umanong rumesponde ang mga tauhan mula Lanuza Municipal Police Station at 2nd Surigao del Sur Provincial Mobile Force Company ngunit pinaputukan sila ng aabot sa 20 rebelde.

Umabot ng 30 minuto ang engkwentro bago umatras ang NPA sa kabundukan ng Brgy. Mampi, Lanuza.

“The damage is still undetermined as our investigators are still in the area. Aside from the backhoes, I believe there are other small equipment that were destroyed by the NPA rebels during the attack,”  saad ng Surigao del Sur police provincial director.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?