33

Nov 21, 2021 @ 15:49

NPA sumalakay sa N. Samar; 2 SAF trainee dedo

Nakasagupa ng militar ang ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar nitong Sabado kung saan dalawang trainee ng Special Action Force (SAF) ang napatay.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 8, ang dalawang biktima ay sumasailalim sa Special Action Force Commando Course (SAFCC) na siyang kailangan nilang pagdaanan para maging kasapi ng SAF.

Hindi naman ibinunyag ng pulisya ang pangalan ng dalawang nasawi.

Samantala, may apat pang nasugatan sa naturang pangyayari, na dinala naman agad sa pagamutan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga hinihinalang rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?