16

Sep 24, 2020 @ 22:12
By

NPA recruitment tatapatan ng info campaign

Magsasagawa na ang Philippine National Police (PNP) ng information campaign sa mga college student para maiwasang mabola at mahikayat na sumama ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Armed of the Philippines chief of staff Gen. Gilbert Gapay, paulit-ulit nang napatunayan ang pagre-recruit ng NPA sa mga college student sa pagkakaaresto at pagkamatay ng ilang rebelde, na lumabas na mga estudyante mula sa mga kilalang unibersidad sa bansa.

“We will be focusing on our information dissemination and education to all students with regard to what the PNP is doing. We are actually doing that on a quarterly basis,” lahad ni PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan.

Layon ng information drive na matapatan ang propaganda ng NPA na target ang idealism at adventurism ng mga kabataan.

Maliban sa mga colleges at university, dadalhin din umano nila ang info drive sa mga barangay lalo na sa mga malalayong lugar na may nagaganap ding NPA recruitment. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?