39
npa3
Mar 6, 2020 @ 13:27
By

NPA persona non grata sa 6 barangay sa Kalinga

Nagdeklara ng ‘persona-non-grata’ ang anim na barangay sa Tabuk City laban sa New People’s Army (NPA) na patuloy na nagsasagawa ng paghahasik ng mga iligal na aktibidad sa naturang siyudad.

Ayon kay Brig. Gen. Henry Doyaoen, Brigade Commander ng 503rd Infantry Brigade, Philippine Army (PA), na nakabase sa Tabuk City, Kalinga, ang pagdeklara ng persona non grata sa mga barangay ay isang magandang hakbang para ipakita ang pakikiisa ng mga opisyal ng barangay sa pagsugpo sa insurhensiya.

Sinabi ni Doyaoen, kabilang dito ay ang mga Barangay Calanan, Naneng, Bado Dangwa, Bantay, New Tanglag at Masablang na siyang nagdeklara ng persona non grata sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Doyaoen na bumuo rin ng task force sa barangay para wakasan ang local communist armed conflict ang mga nasabing barangay para matapos ang insurhensiya at mailigtas ang mga kabataan sa panlilinlang ng mga rebeldeng grupo.

Kaugnay nito, umaasa si Doyaoen na sa mga susunod na araw ay magdedeklara na rin ng persona non grata ang iba pang barangay ng Tabuk para maipakitang wala nang sumusuporta sa mga rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?