198

Nov 10, 2017 @ 9:46
By

NPA patay, 2 sundalo sugatan sa bakbakan sa Nueva Ecija

Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army matapos makaengkwentro ang tropa ng 84th Infantry Batalllion ng Philippine Army at hindi pa mabilang na miyembro ng NPA sa Barangay Sanguit Dupax Del Sur Nueva Viscaya.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt Col Ray Tiongson alas-8:30 ng umaga kanina nang magkasagupa ang dalawang grupo.

Rumeresponde ang tropa ng militar sa lugar matapos makatanggap ng impormasyong may presensya ng NPA na nangingikil ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga rebelde.

Nagtagal ang sagupaan ng tatlong oras bago nagsitakbo papalayo ang mga nakalabang rebelde.

Sa isinagawang clearing operation narekober ang labi ng isang miyembro ng NPA habang tatlong sundalo ang naitalang sugatan.

Narekober rin sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 rifle.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga nakalabang rebelde. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?