62

NPA nagdeklara ng ceasefire

Nagdeklara na ng sariling tigil-putukan o ceasefire ngayong araw ang New People’s Army (NPA) dalawang araw matapos ianunsiyo ang unilateral ceasefire ng pamahalaan ngayong holiday season.

Sa isang pahayag sa kanilang official website na philippinerevolution.info, sinabi ni Ka Oris, tagapagsalita ng
NPA, ito’y bilang pagbibigay-daan sa selebrasyon ng mga Pinoy sa holidays at sa 49th anibersaryo ng partido komunista.

Epektibo alas-sais ng gabi ng Disyembre 23 hanggang alas-sais ng gabi ng Disyembre 26, at alas-sais ng gabi ng Disyembre 30, 2017 hanggang alas-sais ng gabi ng Enero 2, 2018 ang ceasefire ng mga ito.

“Under the direction of the Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP), the National Operational Command of the New People’s Army (NPA) hereby unilaterally declares to all commands and units of the NPA and the people’s militia a ceasefire in observance of the Filipino people’s traditional holidays and the Party’s 49th anniversary,” ayon sa pahayag.

Habang nakababa ang tigil-putukan, ihihinto muna ng lahat ng NPA units at ilan pang tauhan nito ang pag-atake laban sa militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga tauhan nito, at sa Philippine National Police (PNP).

Maaari ring makapasok sa teritoryo nila ang mga tauhan ng AFP at PNP na walang pananagutan na hindi nila aarestuhin o paparusahan.

Mananatili naman umanong naka-defensive mode ang mga tauhan nito upang maprotektahan pa rin ang puwersa nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?