61

Dec 20, 2018 @ 19:16
By

NPA nagbunyi sa mga pag-atake

Ipinagdiwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang mga matagumpay na opensiba ng New People’s Army (NPA) laban sa mga puwersa ng gobyerno.

Sa inilabas na pahayag ng partido komunista, tiniyak ang maayos na pagtrato sa dalawang sundalo at isang dosenang miyembro ng CAFGU na kanilang binihag sa pagsalakay sa isang Army Patrol Base sa Agusan del Sur.

Itinuturing na prisoners of war (POWs) ang 14 at bukod dito, 24 na matataas na kalibre ng baril ang napasakamay din ng mga rebelde.

Kaugnay nito, sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, iniimbestigahan na nila ang pagsalakay.

“Na-hostage sila lahat e so ibig sabihin walang firefight, walang labanan, so mukhang nabigla sila or whatever. We are investigating,” sabi ni Lorenzana.

Samantala, nakubkob naman ng mga sundalo ang isang maliit na kampo ng NPA sa Bongabon, Nueva Ecija.

Nabatid na mga tauhan ng Army 91st Infantry Battalion ang nakadiskubre sa kampo, na imbakan ng mga pagkain ng mga rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?