94
npa3
Jun 2, 2018 @ 17:19
By

NPA member sumuko sa Sarangani

Kusang-loob na nagtungo sa tropa ng militar ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Upper Suyan, Malapatan, Sarangani Province kahapon ng umaga.

Kinilala ang NPA member na si Boy Cabisa Diale, alyas Busaw, 75-anyos, residente ng Sitio Lino, Barangay Upper Suyan, Malapatan.

Isinuko rin ni Diale ang kanyang M16 (Bushmaster) rifle sa tropa ng 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Umaasa naman si Major General Noel Clement, commander ng 10th Infantry Division, na mas marami pang NPA terrorist ang sumuko sa pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?