29
npa
By

NPA member patay, 4 pa arestado sa engkuwentro sa Laguna

Sharing is caring!

Nasawi ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dinakip ang apat pa makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Dambo Pangil, Laguna kahapon ng hapon.

Kinilala ang nasawing NPA na si Ismael Criste, alyas Ka Maeng, na kabilang sa Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri ng Cesar Batrallo Command-NPA.

Naaresto naman sina Luis Etolarde Alano Jr., Shirley De Guzman Martinez, Felicidad De Mesa, alyas Ka Fely; at Cristy Ramos Lacuarta, alyas Tintin.

Sa ulat ni Police Regional Office 4A Spokesperson Police Supt. Chitadel Gaoiran, nagsasagawa ng Comelec checkpoint ang mga pulis nang dumaan ang mga NPA pero sa halip na huminto ay nakipagbarilan sa mga ito na nagresulta ng pagkasawi ng isang NPA at pagkaaresto ng apat.

Nakuha sa mga terorista ang pitong baril, granada, mga bala at mga mahahalagang dokumento.

Nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives na may kaugnayan sa Comelec gun ban ang mga naarestong NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?