66
npa3
By

NPA member na ‘most wanted’ sa Region 3, timbog sa Bataan

Sharing is caring!

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang most wanted person sa Region 3.

Kinilala ang nadakip na si Juanito Carabeo, alyas Toktok, 62, residente ng Sitio Sun Shine, Barangay San Juan, Samal, Bataan.

Active member ng CPP-NPA si Carabeo at assistant secretary ng Regional Medical Staff Central Luzon Regional Committee.

Ayon kay Philippine National Police Region 3 Director Police Chief Supt. Amador Corpuz, alas-4:30 ng hapon kahapon nang isagawa ng pulisya at militar ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek sa Samal.

Si Carabeo ay may kinakaharap na mga kasong murder, arson at rebelyon.

Nasa kustodiya na ito ng Samal Municipal Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?