9

Dec 6, 2020 @ 11:51
By

NPA, Maute ‘di umatake sa Maguindanao – Army

Ayon sa military, walang katotohanan ang ulat na sangkot ang New People’s Army o ang Maute group sa sinilabang police car sa Datu Piang, Maguindanao noong nakalipas na linggo.

“Walang katotohanan ‘yan (ulat). ‘Yung New People’s Army ay malayo sila doon sa area ng pinangyarihan. Hindi sila nagkakaroon ng mga ganoong alliances na nagsasama para magkaroon ng opensiba,” ani Lt. Col. Anhouvic Atilano, tagapagsalita ng Philippine Army’s 6th Infantry Division at Joint Task Force-Central, sa isang television interview.

“‘Yung Maute naman, walang verified report na may Maute group dito sa Liguasan Marsh area,” banggit niya pa ngayong araw.

Inako na ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang “pangha-harass” ng nasa 50 armadong lalaki sa Barangay Poblacion at pagsunog sa isang police patrol car, Disyembre 3.

Walang naiulat na namatay sa insidente.

Samantala, nakatakda nang maghain ng kriminal na reklamo ang pulisya laban sa mga kasapi ng BIFF na responsable sa atake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?