214

By

NPA matagal nang terorista – Lacson

Sharing is caring!

Sinuportahan ng mga senador na kapanalig ng administrasyon ang plano ni Pangulong Duterte na ideklarang teroristang grupo ang New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na matagal nang kilos-terorista ang NPA at si Pangulong Duterte lamang ang may tapang na diretsahan itong sabihin.

“Only a president with Duterte’s guts can declare the NPAs as terrorists and that’s what, who they are for quite a long time,”oahayagg ni Lacson na dating namuno sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa senador, naglaho na ang ideolohiya ng NPA at nauwi na ang mga ito sa pagiging tulisan at bandido na nananakot at nangingikil.

“Their ideology has been gone more than a decade ago. They burn, destroy, kill innocent civilians to terrorize; they terrorize to sow fear and harass helpless civilians; they harass to extort under the guise of revolutionary taxation,” dagdag ni Lacson.

Kapag iniutos ng Pangulo na tapusin ang problema sa NPA, tiyak ni Lacson na kikilos ang mga awtoridad.

“And knowing PRRD, our security forces will surely respond to finally put an end to an almost half century problem that morphed from ideology to plain banditry perpetrated by self-styled ‘army of the people’,” pahayag pa ni Lacson.

Ayon naman kay Senator Gregorio Honasan, chairman ng Senate committee on natl defense and security at dating sundalo, kailangsng pagtiwalaan ang pangulo sa anumang desisyon sa NPA dahil batay ito sa ibinibigay sa kaniyang impormasyon ng security forces at security advisers,

Hindi rin daw dapat mangimi ang gobyerno na ito ay ideklara dahil kahit ang Estados Unidos ay nagdeklara na teroristsng grupo ang NPA.

“As Commander-in-Chief of all security forces and based on information from his national from his national security advisers, it is the President’s prerogative. Kung yung US ay dineklara ang CPP NPA NDF na terrorist organization tayo pa kaya?” Sabi ni Honasan.

Sinabi naman ni Senate majority leader Vicente Sotto III na idineklara noon ng isang regional trial court sa Mindanao na teroristang grupo ang NPA kaya hindi malayong gawin din ito ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?