49

Jan 6, 2022 @ 15:08
By

NPA lider tumba sa engkwentro sa Davao de Oro

Napatay sa engkwentro sa Mabini, Davao de Oro noong Miyerkoles ang isang hinihinalang opisyal ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa ulat ng militar ngayong Huwebes, kinilala ang napatay na NPA lider bilang si Menandro Villanueva, kilala sa alyas na Bok.

Isa umano si Villanueva sa mga most wanted na rebelde sa Mindanao.

Nakasagupa umano ng grupo ni Villanueva ang mga miyembro ng 1001st Infantry Brigade (1001IB) at napatay ito matapos tamaan ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Ayon pa sa militar, si Villanueva ay kalihim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) ng NPA, kalihim din ng Komisyong Mindanao, at commanding officer ng National Operations Command ng NPA.

Naka-engkwentro umano ng militar ang mga NPA member matapos silang bigyan ng tip ng ilang concerned citizen sa lugar.

Pinaghahanap pa ngayon ang mga nakatakas na kasamahan ni Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?