39

By

NPA lider na may kasong frustrated murder, nadakip sa Samar

Sharing is caring!

Nadakip ng tropa ng militar ang isa sa pinakamataas na lider ng teroristang New People’s Army (NPA) at ilan pang miyembro nito sa Northern Samar.

Ayon kay Captain Rayann Velez, tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, alas-4:30 ng hapon kahapon nang madakip ang mga teroristang NPA.

Ang naarestong lider ng NPA ay si Marieta Bartolo, front secretary ng Metro 1, Sub-regional Committee Emporium.

Ang Metro 1, Sub-regional Committee Emporium ay nag-o-operate sa mga munisipyo ng Pambujan, San Roque, Silvino Lobos, Las Navas, Mondragon at Catarman, sa Northern Samar.

Habang ang mga naarestong miyembro ng NPA ay sina Ruth Martirez Figueroa, Bayan Muna president-Northern Samar at kasalukuyang brgy. chairwoman ng University of Eastern Philippines; Eboy Loberiano alyas Bagyo; at Gil Martirez.

Si Bartolo, alyas Tayang, ay may warrant of arrest na kinakaharap dahil sa kasong frustrated murder.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong kalibre ng baril at isang Glock 9mm pistol.

Nakuha pa ang 12 envelops na may tig-P30,000 na laman at iba pang mahahalagang dokumento.

Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng Northern Samar Provincial Police Office ang mga naarestong NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?