66

Oct 24, 2020 @ 22:26
By

NPA leader sa Cotabato tumba sa bakbakan

Isang pinuno ng New Peoples’ Army (NPA) sa lalawigan ng Cotabato ang napatay sa may 20-minutong engkuwentro sa bayan ng Matalam nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., Western Mindanao Command commander, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga miyembro ng 62nd Division Reconnaisance Company sa Arakan Village sa Matalam nang maka-engkuwentro ang isang dosenang NPA.

Kinilala ang napatay na lider na si Zaldy Gulmatico Pulido, alyas Joel at Cobra.

Narekober ang M16 rifle, tatlong magazine, sari-saring bala, dalawang cellphone at mga propaganda material ni Pulido.

Si Pulido ay secretary umano ng Guerilla Front 53 sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?