119
Nagpakilalang NPA, huli sa pangingikil sa Makati
Nov 26, 2019 @ 12:47
By

NPA leader nadampot sa ospital sa San Juan

Arestado ang isang leader ng New People’s Army (NPA) sa isang ospital sa San Juan City, ayon kay National Capital Region Police Office acting director Brig. Gen. Debold Sinas.

Ayon sa press briefing ng NCRPO chief, naaresto si Jaime Padilla sa loob ng Cardinal Santos Medical Center nitong Lunes.,

Naka-confine si Padilla sa isang private room sa loob ng hospital dahil sa hypertension.

Ayon pa kay Sinas, may tatlong kataong nagbabantay sa NPA leader ang inaresto ng mga police dahil sa pagtatago ng isang wanted person.

Wala namang nahuling armas sa tatlong suspek at kay Padilla, habang tinitingnan pa ng pulisya ang mga sasakyan ng mga ito para sa mga firearm o ilang dokumento.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region Office si Padilla at ang tatlong suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?