42

Dec 18, 2017 @ 18:06
By

NPA, isang malaking banta – PNP

Malaking banta para sa Philippine National Police (PNP) ang panggugulo ng teroristang New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, dahil itinuturing nang terorista ang NPA kaya kasama na ito sa kanilang mabigat na hinaharap.

“Yung threat pag sinabi mong level of threat magkapantay lang ‘yan sa terrorism at since labeled naman na terrorist ang NPA di ba, kasama na ‘yan sa terrorism so ‘yan ang mabigat na hinaharap natin,” sabi ni Dela Rosa.

Sinabi pa ng heneral, na ilang taon nang nagbibigay ng problema sa bansa ang NPA kaya napapanahon na matigil ang panggugulo, pangongotong at iba pang iligal na aktibidad ng mga ito.

Samantala, nananatili ang desisyon ng PNP na hindi na pagrerekomenda pa ng suspensiyon sa police operations ngayong Christmas season.

Ito ay kahit na tradisyunal na itong ginagawa tuwing panahon ng Kapaskuhan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?