158

Oct 25, 2019 @ 11:17
By

NPA inungusan ang mga sundalo sa Isabela

Mas marami na umano ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kaysa sa mga sundalo sa lalawigan ng Isabela, ayon sa 502nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army.

Sa pahayag ni 502 IB commanding officer Brig. Gen. Lawrence Mina, ito ay batay sa mataas na bilang ng mga nagbabalik-loob sa pamahalaan na mga miyembro diumano ng NPA.

Sinabi ni Mina, hindi naman naging dehado ang mga government troop sapagkat dumaan sa pagsasanay ang lahat ng miyembro ng 95th IB at 85th IB na nakabase sa nasabing lalawigan.

Binida rin ni Mina ang pagbaba ng mga iligal na gawain umano ng makakaliwang grupo dahil sa patuloy na military operation at community support program.

Umaasa ang opisyal na madaragdagan pa ang bilang ng mga susukong NPA member at supporter sa mga susunod na araw dahil sa mahirap nilang sitwasyon sa kabundukan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?