211

Oct 26, 2019 @ 11:45
By

NPA iniwan ng mga kamiyembro, patay

Parang manok na iniwan ng kanyang mga kasamahan ang bangkay ng isang New People’s Army (NPA) na napatay sa engkuwentro ng militar sa San Mariano, Isabela, ayon sa 86th Infantry Battalion (BI) ng Philippine Army (PA), Isabela.

Ayon kay 86th BI , PA commanding officer Lt. Col. Ali Alejo, hanggang sa kasalukuyan, wala pang kumukuha sa bangkay ng isang miyembro ng NPA sa nasabing bayan.

Sinabi ni Alejo, nakita nila ang bangkay ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng bakbakan sa San Mariano, Isabela.

Ayon sa opisyal, miyembro ng NPA ang hindi pa nakikilalang bangkay dahil sa mga bakas ng dugo mula sa encounter site.

Aniya na may tama ng bala ng baril sa paa ng nasabing bangkay na posible umanong iniwan ng kanyang mga kasamahan pagkatapos ng labanan.

Matatandaan na nagkaroon ng magkasunod na encounter sa Isabela, una dito sa Burgos kung saan nakasagupa ng mga pulis ang mga NPA at sumunod naman sa San Mariano na nakasagupa naman sila ng PA.

Sinabi Alejo nasa 60 na mga rebelde ang kumikilos ngayon sa nasabing lalawigan na mahigpit nilang binabantayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?