70

Mar 2, 2020 @ 15:21
By

NPA dineklarang ‘persona non grata’ sa 50 barangay sa Cagayan

Dineklarang “persona non grata” ng 50 barangay sa Cagayan ang New People’s Army (NPA) dahil sa patuloy na pangingikil sa mga residente.

Ayon kay Gattaran Police Station chief-of-police P/Mayor Edwin Aragon, ang pagdedeklara ng “persona non grata” ay pagpapakita lamang na ayaw na at nagsawa na ang mga mamamayan ng Gattaran laban sa iligal na gawain ng NPA.

Sinabi ni Aragon, may lakas na ng loob ang mga residente sa pangunguna ng mga barangay official na labanan ang mga rebelde para makamit ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.

Nagpasalamat naman si Aragon sa mga residente sa ipinapakitang kooperasyon kontra insurehensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?