83

Oct 25, 2019 @ 22:31
By

NPA dineklarang ‘persona non grata’ sa 209 barangay sa Bicol

Kabuuang 209 na barangay sa Bicol region ang nagdeklara sa New People’s Army (NPA) bilang persona non grata.

Ayon kay 9th Infantry Division chief of staff Col. Aldwine Almase, ipinasa ng iba’t ibang barangay legislative council ang resolution na nagli-label sa NPA bilang persona non grata sa paniniwalang ang presensiya ng mga komunista sa kanilang lugar ay hadlang sa peace and development.

Nauna nang nagdeklara ng persona non grata laban sa NPA ang bayan ng Polangui sa Albay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?