144

Dec 26, 2018 @ 11:08
By

NPA ‘di sangkot sa pagpaslang kay Batocabe, ayon sa asawa

Naniniwala ang nabiyuda ng napaslang na Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe na labas ang komunistang grupo na New People’s Army (NPA) sa pagkamatay nito.

Ayon kay Gertie Duran-Batocabe, hindi niya nakikitang papatayin ng NPA ang kanyang asawa dahil hindi naman ito kaaway ng kongresista.

“What will they get if they kill my husband? We have not opposed their principles. So the question is, Who will gain from his death? Simple,” saad ni Mrs. Batocabe.

Ayon sa mga malalapit kay Rodel Batocabe, kanilang tinitingnan na anggulo ay politika, marami umanong nakuhang death threat ang Ako Bicol Rep. matapos ianunsiyo ang pagtakbo bilang mayor sa Daraga.

Naglabas na rin ng statement ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang umbrella organization ng komunistang grupo, na walang kinalaman ang NPA sa pagpatay kay Batocabe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?