16

Aug 8, 2020 @ 18:54
By

NPA commander na recruiter din bulagta sa engkuwentro

Patay sa bakbakan sa Kalayaan, Laguna ang top commander ng New People’s Army (NPA) noong Biyernes.

Kinilala ni Lt. Col. Jesus Diocton, commanding officer ng 1st Infantry Battalion, ang suspek na si Mario Caraig, alyas Jethro, secretary ng Sub-Regional Military Area 4C ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

Nangyari ang insidente bandang alas-11:10 ng gabi kung saan naka-engkuwentro ng mga tropa ng gobyerno ang mga miyembro ng NPA sa Sitio Boho sa Barangay San Antonio.

Nakarekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang .45 pistol, isang 9mm pistol, at dalawang hand grenade.

Ayon sa militar, tinatakot ni Caraig ang mga indigenous people para sumuporta at sumanib sa NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?