143

Nov 8, 2017 @ 18:08
By

‘Wag sisihin si Noy sa Mamasapano incident – Trillanes

Tinuligsa ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagsasampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ng mga kasong kriminal laban kay dating Pangulng Benigno “Noynoy” Aquino kaugnay ng 2015 Mamasapano incident.

Ayon kay Trillanes na dating sundalo, wala sa katwiran na kasuhan ang dating Pangulo at sinumang lider ng bansa nang dahil sa pagpalpak o pagkakamali ng police o military operations.

Kinasuhan ng Ombudsman ng graft at usurpation of authority si Aquino dahil nakipagsabwatan umano sa noon ay suspendido sa pulisya na si dating PNP chief Alan Purisima para ito ang mangasiwa sa paglusob ng PNP Special Action Force (SAF) sa pinagkutaan ng teroristang si alyas Marwan sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao.

Ang insidente noong Enero 2015 ay nagresulta sa pagkamatay ng 44 na commando ng SAF.

Binigyang-diin ni Trillanes na ang inatasan noon ni Aquino para manguna sa operasyon ay si dating SAF Director Getulio Napenas.

Kung ito ay pumalpak, hindi aniya ang pangulo ang responsable kundi si Napenas mismo.

Sa mga pagdinig ng Senado, lumitaw na sina Aquino, Purisima at Napenas ang nag-usap ukol sa paglusob sa Mamasapano.

Ayon kay Trillanes, kung kakasuhan ang pangulo para sa pagpalpak ng mga tauhan na kaniyang inutusan, maari itong maging “bad precedent” dahil lagi nang ingunguso ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng PNP ang pangulo kapag nagkaroon sila ng sablay. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?