94

Jun 20, 2018 @ 20:26
By

Noynoy pinakakasuhan ng Ombudsman dahil sa DAP

Nakakita ng sapat na basehan ang Office of the Ombudsman para masampahan ng kaso si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa kontrobersiyal na P72-billion Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa ipinalabas na pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng Ombudsman na inirekomenda nitong sampahan ng reklamong usurpation of legislative powers si Aquino dahil sa paglabag sa Article 239 ng Revised Penal Code kasama si dating Budget secretary Florencio Abad.

“A re-evaluation of the case establishes that the individual actions of respondent Aquino and respondent-movant Abad showed a joint purpose and design to encroach on the powers of Congress by expanding the meaning of savings to fund programs, activities and projects under the DAP,” sabi sa resolusyon ng Ombudsman.

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y iligal na paglilipat ng government savings sa naturang programa ng administrasyong Aquino.

Ang DAP umano ang magpapalakas sa economic growth ng bansa sa pamamagitan ng mabilis na pagpapalabas ng pondo para sa mga prayoridad na proyekto ng gobyerno pero idineklara ito ng Korte Suprema na unconstitutional noong Hulyo 2014 dahil nilalabag nito ang hurisdiksiyon ng Kongreso sa budgeting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?