45
Abante-TnT--pnoy-dengvaxia
Dec 16, 2017 @ 10:30
By

Noynoy, misinformed sa Dengvaxia – JV

Naniniwala si Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito na ‘misinformed’ o kaya naman ay kulang ang mga impormasyong ibinigay kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kaugnay sa Dengvaxia kaya’t inaprubahan nito ang programa.

Gayunmam, sinabi ni Ejercito na malinaw sa takbo ng pagdinig kaugnay sa isyu na sadyang minadali ang proseso ng procurement ng bakuna at ang pagbibigay nito sa mga benepisyaryo.

“My personal take is that not all information was disclosed, so that the transaction will push through. What is evident is that the whole transaction was done in haste,” saad ni Ejercito.

Ipinaliwanag pa nito na nakadepende sa mga kalihim ng bawat kagawaran ang Pangulo ng bansa at lahat ng impormasyong ibinibigay ng kanyang gabinete ay itinuturing na pinag-aralang mabuti.

“A President would presume that the due diligence was done, that clinical tests were likewise completed and strict protocols were followed,” dagdag pa ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?