922

Feb 22, 2020 @ 20:13
By

Noynoy, Kris nag-‘peace be with you’ sa kasal ng pamangkin

Sa unang pagkakataon ay nagpakita sa publiko si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Masayang binalita ni Kris sa kanyang Instagram post na nabuo na silang muli na magkakapatid dahil siya na ang unang lumapit at nakipagbati sa kanyang Kuya Noy sa kasal ng kanilang inaanak sa binyag/pamangkin na si Nina Abellada ngayong Pebrero 22 sa Shangri-La BGC.

Noong “peace be with you” na ay siya na raw ang lumapit at sobrang natuwa raw si Joshua, na kilalang malapit sa kanyang Tito Noy.

Ninerbiyos naman daw si Bimby sa nangyari.

“Pareho naming inaanak si nina sa binyag… ako ang nakababata, kaya nung “peace be with you” ako ang lumapit… ninerbyos ang aking bunso, si kuya sobrang na happy. hindi pinilit, pero answered prayer para sa mga sisters namin. In God’s time, nabuo kaming muli… ito po ang totoong #pamilya,” caption ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?