189

Nov 8, 2017 @ 13:13
By

Noynoy kinasuhan na kaugnay ng Mamasapano massacre

Kinasuhan na sa Sandiganbayan si dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino kaugnay ng pagkakasangkot sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao, na ikinamatay ng 44 na tauhan ng SAF.

Si Aquino ay sinampahan ng kasong graft at usurpation of officials functions dahil sa pagpayag nito kay dating police chief Alan Purisima sa Oplan Exodus sa kabila ng suspensiyon nito noon.

Kasamang sa kaso sina Purisima at dating PNP Special Action Force Director Getulio Napeñas.

Matatandaan na mahigit 400 SAF troopers ang nagtungo sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 24, 2015 para tugisin ang wanted terrorist na si Zulkifli Bin Hir alias Marwan.

Napatay sa Oplan Exodus si Marwan subalit nasawin dinsa engkwentro ang 44 SAF troopers nang makasagupa ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na.

Bahagit ng ebidensiya ng Ombudsman ay ang text messages sa pagitan ng dating chief executive at ni Purisima.

Nadiskubre pa ng Ombudsman na patuloy na tumanggap ng payo si Aquino kay Purisima tulad nang ipinakita noong sa ginawang imbestigasyon ng Senado sa SAF 44 massacare.

Si Purisime ay suspendido noon dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang courier service deal noong siya pa ang pinino ng PNP.

Naghain ng motion for reconsideration si Aquino kung saan iginiit nito na ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin para magamit ang lahat ng lakas ng gobyerno para matiyak ang tagumpay ng operasyon.

Ibinasura naman ng Ombudsman ang mosyon gayundin ang motion for reconsideration na inihain ng Volunteer Against Crime and Corruption para ikonsidera muli ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide laban kay Aquino.

“No cogent reason to reverse or modify the assailed resolution” after a fresh evaluation of the evidence,” ayon sa 27-pahinang kautusan na pirmado ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong Setyembre 11. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?