799

Jul 30, 2018 @ 17:17
By

Noynoy kasama sa dapat sisihin sa patayan sa PH – Malacañang

Binuweltahan ng Malacañang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa naging batikos nito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mahalaga ang buhay kaysa human rights kaugnay sa kampanya sa iligal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa panahon ni dating Pangulong Aquino napansin ng United Nations na tila nagkulang na pangalagaan ang buhay lalo na sa mga napatay na mga mamamahayag.

Wala rin naman aniyang matinding ginawa ang Aquino administration para proteksiyunan ang buhay ng mamamayan.

“I wish he did more also in protecting human life. Because it was during his administration too that UN also noticed that we were in breach of our obligation to right especially on the killings of journalists as well. As a former President, he shares partly in the blame for this culture of impunity,” ani Roque.

Binigyang-diin pa ng kalihim na malinaw ang paliwanag ni Pangulong Duterte na mas mahalaga sa kanya ang buhay ng mga tao na sinisira ng iligal na droga kaya dapat lamang na malinis ang bansa laban sa mga sangkot sa illegal drug trade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?