78

Dec 19, 2017 @ 11:27
By

Noynoy, iba pa sangkot sa Dengvaxia scam kakasuhan na

Sasamahan ng mga kinatawan ng Gabriela Women’s Party (GWP) ngayong araw, Disyembre 19 sa Supreme Court (SC) at Tanggapan ng Ombudsman ang mga magulang at kani-kanilang mga anak na nabakunahan ng kontrobersyal na Dengvaxia para habulin at papanagutin ang mga personalidad na nakakaladkad sa isyu.

Kasama sa petitioners sina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas.

Ihahatag ng grupo ang reklamo sa Tanggapan ng Ombudsman laban kay ex-President Benigno “Noynoy” Aquino III at iba pang public officials bunsod ng diumano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Maghahain din ang Gabriela ng “petition for mandamus” sa SC upang kalampagin ang gobyerno na pagkalooban ng libreng konsultasyon at serbisyong medikal ang mga musmos na tinurukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia na ginawa ng Sanofi-Pasteur. (Aries Cano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?